Mga Madalas na Tanong mula sa mga Magulang/Tagapag-alaga tungkol sa COVID-19 at mga Bakuna
This resource has been archived.
Important note: This content is no longer current and is archived here for reference only.
It should not be downloaded and shared.
Availability ng mga Bakuna
Sino ang dapat magpabakuna laban sa COVID-19?
Lahat ng mga nasa edad na 6 na buwan at mas matanda sa Estados Unidos ay dapat magpabakuna sa COVID-19.
Ang mga bakuna ay libre para sa lahat, anuman ang iyong estado sa imigrasyon. Hindi mo rin kailangan ng seguro sa kalusugan.
Saan ako o ang aking anak maaaring magpabakuna?
Available ang mga bakuna sa COVID-19 sa maraming parmasya at mga health care provider.
Mayroon kang tatlong paraan para makahanap ng libreng mga bakuna na malapit sa iyo:
-
Pumunta sa vaccines.gov
-
I-text ang iyong ZIP code sa 438829
-
Tumawag sa 1-800-232-0233
Konsultahin din ang health care provider ng iyong anak o ang kanyang paaralan. Maraming mga paaralan ang nagbibigay ng mga bakuna para gawing mas madali ang pagpapabakuna ng mga estudyante.
Kailangan ko bang magbigay ng pahintulot bago mabakunahan ang aking anak?
Ang mga batas sa pagpapahintulot ay hindi pareho sa mga estado at teritoryo. Halimbawa, karamihan—ngunit hindi lahat—ng estado ay nag-uutos sa mga provider ng bakuna na humingi ng pahintulot mula sa mga magulang o tagapag-alaga para magbigay ng bakuna sa mga batang wala pang 18 taong gulang.
Kumonsulta sa iyong kagawarang pangkalusugan ng estado/teritoryo para malaman kung ano ang mga kailangan sa pahintulot ng magulang/tagapag-alaga.
Kaligtasan at pagkabisa ng bakuna
Bakit kailangang magpabakuna ang aking anak?
Kahit sino ay maaaring magkasakit ng COVID, anuman ang edad. Walang paraan upang mahulaan kung ang iyong anak ay maapektuhan ng COVID.
Sa mga batang wala pang 18 taong gulang sa Estados Unidos na nagkaroon na ng COVID-19:
-
Sampu-sampung libo ang na-ospital
-
Daan-daan ang namatay
Kahit hindi magkasakit ng malubha ang iyong anak, maaari pa ring magdulot ng mga problema sa kalusugan ang impeksyon sa COVID-19.
Maaari ring maikalat ng iyong anak ang virus sa isang taong nasa panganib para sa malubhang sakit—tulad ng isang lolo’t lola, isang tao sa simbahan, isang guro sa paaralan, o sinuman sa iyong komunidad.
Lubos na mabisa ang mga bakuna sa pag-iwas sa matinding karamdaman, pagpapa-ospital, at pagkamatay dahil sa COVID-19.
Paano natin malalaman kung ligtas ang mga bakuna para sa mga bata?
Dumaan sa mahigpit na pagsusuri ng FDA at CDC ang bakuna sa COVID-19 para sa mga bata.
Libu-libong bata ang lumahok sa mga klinikal na pagsubok. Sa mga nakatanggap ng bakuna, ipinakita itong ligtas at mabisa sa pag-iwas ng COVID-19.
Sa kasaysayan ng Estados Unidos sa mga bakuna, ang bakuna sa COVID-19 ang pinaka sinubaybayan ng husto, at ang kaligtasan nito ay patuloy na susubaybayan ng FDA at CDC, kabilang sa mga bata.
Paano gumagana ang mga bakuna?
Ang aktibong sangkap sa bakuna ay isang molekula na tinuturuan ang iyong katawan na gumawa ng protina (tinatawag na spike protein) na karaniwang matatagpuan sa ibabaw ng virus na nagdudulot ng COVID-19. Tinutulungan ng bakuna ang iyong katawan na makilala ang protinang iyon upang makagawa ang iyong sistema ng imunyo ng malakas na tugon laban sa spike protein na ito.
Pagkatapos ng pagbabakuna, sisirain ng iyong katawan ang mga bahagi ng bakuna at inaalis ang mga ito sa loob ng 36 na oras.
Pagkatapos ng pagbabakuna, dahil may proteksyon na binuo ang iyong sistema ng imyuno laban sa spike protein, handa ang iyong katawan na labanan ang virus na nagdudulot ng COVID-19.
Magkakaroon ba ako o ang aking anak ng myocarditis o pericarditis mula sa pagtanggap ng isang mRNA na bakuna sa COVID-19?
Dalawang uri ng pamamaga ng puso ang myocarditis at pericarditis na maaaring magdulot ng sintomas tulad ng pananakit ng dibdib, mabilis o mahirap na pagtibok ng puso, at paghihingal.
Ang mga uring ito ng pamamaga ng puso pagkatapos ng pagbabukuna ay napakabihira.
Kapag nangyayari ang mga ito, kadalasang nangyayari ang mga ito sa mga kabataang lalaki at batang nasa hustong gulang, karaniwan sa loob ng ilang araw pagkatapos ng mRNA na bakuna sa COVID-19.
Kadalasang mabilis gumaling ang mga pasyente at tumutugon nang maayos sa mga gamot at pahinga.
Mas malamang ka magkaroon ng pamamaga sa puso at magkasakit ng COVID-19 kung hindi ka nabakunahan. At mas malala ang pamamaga ng puso mula sa COVID-19 kaysa sa pamamaga ng puso ng mga tao pagkatapos ng pagbabakuna.
Ligtas ba ang mga bakuna sa COVID-19 para sa mga tao na gustong mabuntis, buntis, o nagpapasuso?
Oo. Pinatutunayan ng lumalaking ebidensya na mas mataas na panganib sa matinding karamdaman kung magkasakit ng COVID-19 ang mga taong buntis o kamakailang buntis. Walang ebidensya na humahantong sa komplikasyon ang pagbabakuna sa COVID-19 sa panahon ng pagbubuntis.
At, walang ebidensya na ang anumang mga bakuna, kabilang ang mga bakuna sa COVID-19, ay nagdudulot ng mga problema sa pagkamayabong sa mga babae o lalaki.
Inirerekomenda ng CDC ang pagbabakuna para sa COVID-19 sa lalong madaling panahon para sa lahat na buntis, gustong mabuntis, o nagpapasuso.
Maaaring maging mapanganib na sakit ang COVID-19 sa panahon ng pagbubuntis at pinapataas ang panganib ng matinding karamdaman sa mga buntis at maagang kapanganakan ng sanggol. Maaaring mapataas nito ang mga panganib sa iba pang mga problema sa panahon ng pagbubuntis.
Maaaring maprotektahan ka ng pagbabakuna sa COVID-19 laban sa matinding karamdaman mula sa COVID-19 at makakatulong na mapanatiling ligtas ang iyong sanggol.
Maaari bang magpabakuna para sa COVID-19 ang taong nireregla?
Walang dahilan para ipagpaliban ang pagbabakuna kung nireregla ang isang tao, ayon sa CDC at American College of Obstetricians and Gynecologists. Mahigpit na sinusubaybayan ng CDC at FDA ang data ng kaligtasan at hindi nakakita ng anumang dahilan ng pag-aalala.
Paghahanda para sa pagbabakuna
Ilang dosis ng bakuna ang kailangan ng aking anak?
Ang bilang ng mga dosis na kailangan ng iyong anak upang manatiling up to date sa kanilang mga bakuna at makuha ang pinakamabisang proteksyon laban sa COVID ay depende sa kanilang edad at kung aling bakuna ang ibibigay sa kanila.
Pangkat ng Edad |
Mga Paunang Dosis |
Mga Booster |
|||
Dosis 1 |
Dosis 2 |
Dosis 3 |
Booster 1 |
Booster 2 |
|
6 na buwan –4 na taon |
Pfizer-BioNTech |
3 linggo pagkatapos ng unang dosis |
8 linggo pagkatapos ng ika-2 dosis |
— |
— |
Moderna |
4 na lingo pagkatapos ng unang dosis |
— |
— |
— |
|
5–17 |
Pfizer-BioNTech |
3 linggo pagkatapos ng unang dosis |
— |
5 buwan pagkatapos ng ika-2 dosis |
— |
Moderna |
4 na lingo pagkatapos ng unang dosis |
— |
— |
— |
Ang mga lalaking 12–39 taong gulang ay maaaring makinabang sa paghihintay ng mas matagal sa pagitan ng una at ika-2 dosis ng bakuna. Makipag-usap sa iyong health care provider o tagapagbigay ng bakuna.
Ang mga tao, kabilang ang mga bata, na may mga nakompromisong sistema ng imyuno ay hindi gaanong kayang labanan ang mga impeksyon at maaaring mangailangan ng higit pa sa mga inirerekomendang dosis na ito.
Ano ang mga karaniwang masamang epekto mula sa mga bakuna sa COVID-19?
Ang mga batang nabakunahan para sa COVID-19 ay nakakaranas ng parehong karaniwang mga masamang epekto gaya ng mga nasa hustong gulang.
Kasama sa mga karaniwang masasamang epekto ang:
-
Pananakit, pamumula, o pamamaga sa lugar ng iniksyon
-
Pagkapagod
-
Sakit sa ulo
-
Pananakit ng kalamnan
-
Panginginig
-
Lagnat
-
Pagduduwal
Normal ang mga masasamang epekto na ito at karaniwang tumatagal ng dalawang araw pagkatapos ng pagbabakuna.
Ang mga ito ay palatandaan na gumagana ang bakuna at gumagawa ang katawan ng iyong anak ng proteksyon laban sa virus.
Kapag nagkaroon ng COVID ang aking anak, kailangan pa ba niyang mabakunahan?
Oo. Dapat mong pabakunahan ang iyong anak laban sa COVID-19 kahit na nagkaroon na siya ng COVID-19.
Ang pagkaroon ng COVID-19 ay hindi nangangahulugang ang isang tao ay protektado laban sa muling pagkahawa.
Sa katunayan, natuklasan ng kamakailang pag-aaral na ang mga hindi nabakunahang indibidwal ay higit sa dalawang beses na mas muling mahawaan ng COVID-19 kaysa sa mga nagkaroon ng COVID-19 at pagkatapos ay nabakunahan.
Paano ko maihahanda ang aking anak para sa kanyang bakuna sa COVID-19?
Maaaring nakakatakot para sa mga bata ang pagpapabakuna. Narito ang ilang mga tip para ihanda ang iyong anak bago, habang, at pagkatapos ng kanilang pagbabakuna.
Bago magpabakuna:
-
Makipag-usap sa kanya nang tapat tungkol sa kung ano ang aasahan:
-
Ang bakuna kung minsan ay may kirot o sumasakit ng kaunti, ngunit panandalian lamang.
-
Ang paghinga ng malalim ay maaaring makagaan ng sakit ng turok bago ka makabilang hanggang lima.
-
Kailangan nating lahat ang mga bakuna para manatili tayong ligtas mula sa mga mikrobyo na maaaring makapagdulot sa atin ng sakit.
-
HUWAG mong bigyan ang iyong anak ng mga gamot na pampawala ng sakit bago siya magpabakuna.
Habang nagpapabakuna:
-
Aliwin—huwag pagalitan—ang iyong anak kung umiyak at iwasang gamitin ang bakuna bilang pagbabanta.
-
Hayaan mong magdala ang iyong anak ng paboritong laruan o kumot na yayakapin habang iniiniksyonan.
-
Maaari mo siyang gambalain sa pamamagitan ng kuwento, video, o pag-uusap.
-
Tanungin ang provider ng bakuna kung mayroon silang pampamanhid na pamahid o spray na maaaring ilalagay bago magpabakuna.
-
Gumamit ng maginhawang mga posisyon, tulad ng paglagay ng iyong anak sa iyong kandungan. Iwasang pahigain ang iyong anak. At huwag kailanman hawakan ng pilit ang iyong anak habang siya’y binabakunahan.
Pagkatapos magpabakuna:
-
Yakapin at purihin ang iyong anak.
-
Sabihin na gumagawa na ang kanyang katawan ng panlaban sa mikrobyo para mapanatili siyang ligtas at malusog.
-
Maaring nakakaganyak ang isang gantimpala tulad ng matamis na pagkain o sticker.
-
Para makatulong na mabawasan ang pananakit at pamamaga, maaari kang maglagay ng isang malamig at basang tela sa braso kung saan nabakunahan ang iyong anak.
-
Tanungin ang health care provider ng iyong anak kung maaaring uminom ng kanyang normal na gamot na pampawala ng sakit ang iyong anak kung siya’y makaranas ng masamang epekto, tulad ng pananakit ng ulo o lagnat. Kusang mawawala sa ilang araw ang karamihan sa masasamang epekto.
-
I-sign up ang iyong anak para sa v-safe, ang libre at kumpidensyal na tool na nakabatay sa smartphone na magagamit mo para iulat ang anumang masamang epekto na maaaring maranasan ng iyong anak pagkatapos mabakunahan para sa COVID-19.
Huling sinuri ang nilalaman: 7/6/2022