Pakikipag-ugnay sa Publiko Tungkol sa mga Booster na Bakuna sa COVID-19
This resource has been archived.
Important note: This content is no longer current and is archived here for reference only.
It should not be downloaded and shared.
Mga Punto ng Pagsasalita
- Ang mga bakuna sa COVID-19 ay patuloy sa pagiging mabisa sa pag-iwas ng malubhang sakit, pagka-ospital, at kamatayan, Ang booster na bakuna ay isang dagdag na dosis na tutulong sa pagpapanatili ng iyong proteksyon.
- Ang lahat ng 5 taong gulang at mas matanda ay maaaring makatanggap ng libreng booster na bakuna sa COVID-19.
- Makakakuha ka ng iyong unang booster na bakuna:
- 5 buwan pagkatapos ng iyong ika-2 dosis ng bakunang Pfizer-BioNTech o Moderna.
- 2 buwan pagkatapos ng iyong solong dosis ng bakunang Janssen ng Johnson & Johnson.
- Dapat mong kunin ang iyong ika-2 booster 4 na buwan pagkatapos ng iyong unang booster kung:
- Ikaw ay 50 taong gulang o mas matanda.
- Ang iyong paunang bakuna at booster na bakuna ay ang bakunang Janssen ng Johnson & Johnson.
- Ang pinakamahusay na paraan ng pagprotekta laban sa COVID-19 ay ang pagkuha ng iyong mga booster na bakuna sa sandalling ikaw ay naging kwalipikado.
- Lalo ng mahalaga para sa mga taong 50 taong gulang at mas matanda, mga residente ng setting ng pangmatagalang pangangalaga, mga tao na may pinagbabatayan na mga medikal na kondisyon, at buntis at kamakailan lamang nabuntis na kumuha ng mga booster dahil nasa mataas na panganib sila para sa malubhang sakit mula sa COVID-19.
- Kung ikaw ay 18 taong gulang o mas matanda, maaari mong piliin kung anong booster na bakuna sa COVID-19 ang gusto mong kunin. Inirerekomenda ng CDC ang bakunang mRNA mula sa Pfizer BioNTech at Moderna. Sa ngayon, ang mga kabataan lamang na nasa edad na 5–17 taong gulang na nabakunahan ng bakunang Pfizer BioNTech ang dapat kumuha ng booster na bakuna.
- Maaaring magsanhi ng masasamang epekto ang mga bakuna sa COVID-19 sa ilang tao, ngunit labis na madalang ang malalang masasamang epekto. Kusang mawawala sa ilang araw ang karamihan sa masasamang epekto. Ang pinakakaraniwan na masamang epekto ay masakit na braso sa site ng iniksyon.
- Nag-aalok ng mga booster na bakuna ang karamihan sa mga nag-aalok ng mga bakuna sa COVID-19.
- Mayroon kang tatlong paraan para mahanap ng mga bakunang malapit sa iyo, kabilang ang mga booster:
- Pumunta sa vaccines.gov
- I-text ang iyong ZIP code sa 438829
- Tumawag sa 1-800-232-0233
- Tandaang dalhin ang iyong CDC COVID-19 Vaccination Record card kapag pumunta ka para sa iyong booster na bakuna.
Mga Mensahe/Tono na Nakakahikayat sa Publiko
- Gumamit ng mapagkakatiwalaan at batay-sa-agham na impormasyon.
- Kilalanin na likas na may mga tanong ang mga tao tungkol sa mga bakuna at na may kabuluhan ang kanilang mga tanong.
- Paalalahanan ang mga tao na masasagot ng kanilang mga doktor o ibang mga health care provider ang kanilang mga tanong tungkol sa mga bakuna at mga booster.
- Paalalahanan ang mga tao na isa pang kasangkapan ang mga bakuna sa toolkit para protektahan ang kanilang sarili at minamahal sa buhay.
Huling sinuri ang nilalaman: 7/14/2022